Pages

Thursday, February 3, 2011

Si Lola Klasmeyt

Kamusta naman daw ikaw, dbrainhailingjob?

Antagal ko na hindi sumulat sa blog na ito. Kamuntikan ko na nga makalimutan password ko sa tagal kong hindi naglog-in dito sa Blogspot. At pansin ko lang, baket Filipino ang gamit ko? Ito actually ang kauna-unahang blog entry ko sa Filipino. At maganda din pala. Parang nakikipag-usap lang ako sa kapit-bahay- very conversational. At para macapture talaga ang konteksto ng ikukwento ko, mas maigi na rin siguro na Filipino ang gamit ko dahil may mga bagay talaga na kapag nailahad sa ibang linggwahe eh nawawala oh naiiba ang konteksto.

Ay, baket tumitilaok ang mga manok eh 10:30 pa lang ng gabi? weird! anyway... Napag-usapan namin sa isang subject namen sa masters kanina yung tungkol sa mga programs para sa mga dropouts na kung saan ineencourage etong mga droupouts na magbalik-eskwela sa tulong nga iba't ibang programa. In relation to that, may kwinento yung instructor namin tungkol sa isang matanda(65 na sya) na high school student. Wala namang kaso sa pagbabalik eskwela ni lola. In fact, nakakahanga nga kasi kahit na jutanders na sya eh determinado paren sya na makagraduate ng high school at magtuloy ng college. yun lang mapapaisip ka kung ano ang mga future plans nya. May balak din kaya syang magtrabaho pagkagraduate nya? Alam naman siguro nya yung reality na wala din lang mag-eemploy sa kanya kung sakali nag-apply sya ng trabaho. so siguro, yung fulfillment na lang sa sarili nya ang habol nya- na kahit matanda na sya eh makagraduate man lang sya bago sya, you know...

At dahil nakakatuwa talaga yung idea ng isang matanda na pumapasok sa school, hindi tuloy namin maiwasang iimagine yung scenario. So syempre nakauniform si lola, alangan naman na pumasok syang nakaduster. Curious lang talaga ako kung paano sya makipaginteract sa mga classmates nya na sa tutuusin eh mga apo na nya. Tanong nga ng friend ko na classmate ko din sa masters, may crush din kaya sya? Doon na nagsimula ang tawanan namin. Pinapagalitan din kaya sya ng mga teachers? Malamang katulong din naman sya ng mga teachers sa pagdidisiplina sa klase. Hindi ko lang mapigilang matawa pag iniimagine ko si lola na nakatayo sa harap ng blackboard at nililista pangalan ng Noisy at Standing. pag cleaner din kaya si lola, nag-eescape sya? Syempre di maiiwasan yun kasi madali ngang makalimot ang mga matatanda. Oh kaya, nakikipagkopyahan din kaya si lola sa classmates nya? Ang medyo problema talaga eh pag JS prom na. Syempre yung mga lalake excited na makapartner nila mga crush nila. Eh pano pag ang nabunot nila eh si lola?

Wala lang. Natuwa lang ako.